Sikat na character actress, nagtaray sa waiter, binaboy ang order!

Sikat na character actress, nagtaray sa waiter, binaboy ang order!

November 28, 2021 @ 10:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sinasabi na dapat ay huwag mong tarayan o bastusin ang isang waiter dahil baka babuyin ang in-order mong pagkain, at may ilagay dito na something

Gaya sa kaso ng isang character actress (CA). Nu’ng nasa isang hotel siya, kasama ang mga kaibigan, nag-order siya ng juice. Pero nagkamil ang waiter, iba  ‘yung juice na naibigay.

Ang siste, tinarayan nang husto ng CA ‘yung waiter at talagang todo-lait dito kahit nag-sorry naman ito sa kanya.

Pinapalitan ng CA ‘yung juice.

Pero ang hindi niya alam, gumanti ang waiter sa kanya. Dinuraan ng waiter ang juice ng CA at hinalohalo ito para hindi mapansin ang kanyang laway.

Pagkabigay ng juice sa CA, agad niya itong ininom.

O, ‘di ba, hindi alam ng CA na binaboy ang juice niya nu’ng waiter dahil sa kanyang katarayan? Rommel Placente