Sikat na gorilla na si Koko, pumanaw na

Sikat na gorilla na si Koko, pumanaw na

June 22, 2018 @ 9:47 AM 4 years ago


 

California – Pumanaw na ang sikat na gorilla na si Koko sa edad nitong 46.
Ito ang malungkot na ibinalita ng San Francisco Zoo na siyang nag-aalaga ditto at sinabing hindi na ito nagising pa sa kaniyang pagkakatulog.

Nakilala ang babaeng gorilla na si Koko o si Hanabi-ko (Japanese ng Fireworks child) sa galing nito sa sign language at ipinakita sa buong mundo kung ano ang kayang gawin ng isang gorilla.

Tinanghal siya bilang ambassador for all gorillas at icon for interspecies communication and empathy.

Isinilang si Koko sa San Francisco Zoo noong 1971 at mula noon ay natutunan niya ang sign language at kayang umintindi ng 2,000 na English words.

Na-ifeature ito sa iba’t ibang animal channel at magazine dahil sa tanyag nitong talento.

Mayroon din itong mga documentaries kung saan nakasama nito at naging kaibigan ang namayapang aktor at komedyanteng si Robin Williams. (Remate News Team)