Sikat na kontrabidang si John Regala, ‘di na halos makilala sa kapayatan

Sikat na kontrabidang si John Regala, ‘di na halos makilala sa kapayatan

July 28, 2020 @ 7:10 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakaaantig ng puso ang caption at picture na pinost sa FB ng netizen na si Carlo Nathan tungkol sa aktor at lead kontrabida na si John Regala.

Makikita sa litrato ang sobrang pagkapayat ni John, may dalang kulay itim na bag at naka-tsinelas.

Sinabi ni Carlo sa kanyang post na hinahanap ni John ang isang nurse at sinabi nitong nagugutom ang aktor.

“Siya po si mister John Regala ang sikat na kontrabida, humingi ng tulong po kase nahihilo siya may hinahanap siya na nurse.”

“Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya ng tulong saken at agad naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan…”

“Masakit lang isipin na ang dating idolong kontrabida ay nasa ganyang kondisyon.”

“Kaya mas minabuti ko munang hindi umalis hanggat ‘di pa siya naaasikaso kahit na ako’y may deliver pa. Maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong,” sabi pa ng caption ni Carlo.

Pinost din ng aktres na si Nadia Montenegro sa kanyang FB wall ang screenshot ng post ng netizen na si Carlo.

“Mga kasamahan ko sa industriya please tulungan natin si Brother JOHN REGALA. Napaka-hopeless ng feeling ko. I need help to help him,” panawagan naman ni Nadia. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...