Siklista sugatan sa mountain bike vs kotse

Siklista sugatan sa mountain bike vs kotse

July 13, 2021 @ 9:49 AM 1 year ago


ILOCOS SUR-Nagtamo ng gasgas o sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang 32-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong biseklita sa isang kotse sa  Brgy. Sagat, Sta. Cruz, Ilocos Sur kahapon.

Ang  bike rider ay nakilalang si Jessie Javillo Angala, 32, binata, residente ng Brgy. Mantanas ng naturang bayan.

Nakilala ang driver ng itim na Toyota Corolla na si Kenneth Fernandez Caasi, 29, may asawa, residente ng Brgy. Lalong, Sta. Cruz.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang Toyota corolla ay patungong kanlurang direksyon nang pagsapit nito sa lugar ay biglang umagaw ng linya ang nagbibiseklitang si Angala kaya nagbanggaan ang dalawang sasakyan.

Nabatid ng nawalan ng kontrol si Angala sa kanyang minamanehong mountain bike kaya napunta ito sa linya ng kotse.

Si Angala ay agad na isinugod sa RHU ng naturang bayan matapos ang insidente. Rolando S. Gamoso