Siklista utas sa trak

Siklista utas sa trak

May 7, 2022 @ 9:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tigok ang isang siklista matapos itong mabangga at magulungan ng isang tractor head kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the spot dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dexter Cabug-Os, 41, pintor, residente ng 26 Malaya St., Brgy. 28 ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng Mitsubishi Tractor Head na may plaka (NGA3241) na kinilala bilang si Jeffrey Bombales, 34 ng Bacoor Cavite.

Base sa report na nakalap ni Caloocan Police chief Col. Samuel Mina Jr., binabagtas ng biktima sakay ng kanyang bisikleta ang kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue at pagsapit nito sa kanto ng Lapu-Lapu Avenue, barangay 8 dakong alas-8:48 ng gabi ay aksidente itong nabundol ng sasakyan na minaneho ni Bombales ang likuran bahagi ng biktima.

Nawalan ng kontrol ang biktima at bumagsak ito at nagulungan ng kanang gulong ng tractor head na nagresulta ng kanyang agarang nitong kamatayan habang sumuko naman si Bombales sa mga awtoridad. R.A Marquez