‘Sikreto’ ng Pinas para maging leading investment destination, ibinahagi ni PBBM

‘Sikreto’ ng Pinas para maging leading investment destination, ibinahagi ni PBBM

September 24, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinagmalaki ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang  macroeconomic fundamentals at ang gumaganang polisiya bilang  mga pangunahing dahilan upang maging leading investment destination ang Pilipinas.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Asia Society sa New York,  sinabi nito na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumawig ng  5.7% noong nakaraang taon at 7.8% naman sa first half  ng taong kasalukuyan.

“Growth was broad-based, driven not only by government spending but also by household consumption and investments, reinforced by consumer and business confidence,” ayon kay Pangulong  Marcos.

Malaki rin aniya ang nagawa  ng mga “enabling policies and investor-friendly laws” na naglalayong  “leverage game-changing reforms.”

Tinukoy din ng Pangulo ang  human capital ng bansa at ipinagmalaki ang  “English-speaking workforce” na isang globally competitive.

“Another strong point is our human capital. We boast of a young, educated, hardworking, and English-speaking workforce that is among the best in the world,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang Asia Society ay isang nonpartisan, nonprofit organization  na nagsisilbing  “bridges of understanding” sa pagitan ng Silangan  at  Kanluran.

Si Pangulong Marcos  ay nasa huling araw ng kanyang  six-day trip sa Estados Unidos, kung saan inihayag ang kanyang makasaysayang talumpati sa  United Nations General Assembly.

Nakipagpulong din ang Pangulo sa mga heads of state, kabilang na sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida, at maging ang mga  American business leaders  na nangakong mamumuhunan sa bansa at palakasin ang paglikha ng trabaho sa Pilipinas. Kris Jose