Sikreto ni Ellen sa hindi pagbubuntis, ibinunyag!

Sikreto ni Ellen sa hindi pagbubuntis, ibinunyag!

March 19, 2022 @ 9:40 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Now it can be told: naka-IUD pala si Ellen Adarna kaya hindi nagbubuntis.

Ito ang mismong ibinalita ni Derek Ramsay sa isang reporter na malapit sa kanya.

Kaswal daw na inusisa ni Morly Alinio ng DZRH ang Fil-British actor kung kelan magbubuntis ang kanyang asawa.

Ilang buwan na nga namang kasal ang dalawa.

Sagot daw ni Derek, “Saka na, naka- IUD (intrauterine device) pa.”

Ilang beses nang naiulat na next year pa ang plano ni Ellen na bigyan ng anak si Derek.

Sa puntong ‘yon ay marami ang humahanga kay Ellen for practising spacing in between pregnancy.

Ilang taon pa lang kasi si Elias, her son by John Lloyd Cruz.
Besides, kapansin-pansin na ine-enjoy muna nina Derek at Ellen ang isa’t isa.

After all, hindi naman nira-rush ang pagbubuntis. Ronnie Carrasco III