Silangang Mindanao, uulanin

Silangang Mindanao, uulanin

March 17, 2019 @ 10:00 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Aasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Caraga at Davao Regions ngayong Linggo dahil sa bahagi ng tropical depression, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang tropical depression sa 1,175 kilometers sa silangan ng Mindanao at nananatili pa rin sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Dala ng tropical depression ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometer at bugsong 60 kph.

Gumagalaw ito patungong kanluran sa bilis na 10 kph.

Samantala, northeast monsoon o amihan naman ang maghahatid ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan sa Batanes Islands, Cagayan, at Isabela.

Magiging maulap na mayroong panakanakang pag-ulan sa natitira pang bahagi ng bansa./Remate News Team