Sillimanian nanguna sa Nov. 2021 Nurse Licensure exam

Sillimanian nanguna sa Nov. 2021 Nurse Licensure exam

December 11, 2021 @ 8:50 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Nanguna ang graduate student galing Silliman University sa Dumaguete City sa November 2021 Nurse Licensure Examination, ayon sa Philippine Regulation Commission (PRC).

Kinilala itong si Kiara Belle Arante Poblador na may 89.40 percent, pinakamataas sa 6,086 na nag-exam galing sa Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Pumangalawa naman rito sina Francine Beatrice Liao Cruz mula sa Southville International School and Colleges at Natelie Joyce Mariano ng Medici Di Makati College, Inc.

Iniulat naman na pinakamarami ang nakapasa sa University of Sto. Tomas na may 58.

Sinundan naman ito ng Adventist University of the Philippines, Mindanao State University – Marawi City, at University of Baguio. RNT/FGDC