Sim card registration bill lusot na sa Kamara

Sim card registration bill lusot na sa Kamara

December 6, 2021 @ 5:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nitong Lunes ay inaprubahan na sa kamara ang ikatlo at huling pagbasa sa panukalang naglalayon na irehistro ang mga SIM cards.

Sa botong 181-6-0, inaprubahan ang House Bill 5793 sa plenary session.

Layunin ng panukala na tulungan ang mga awtoridad sa pagtunton sa mga kriminal na ginagamit ang kanilang mobile phones upang magsagawa ng mga aktibidad na labag sa batas.

Nilalayon din ng panukalang batas na magtatag ng sistema ng pagbebenta at pagrerehistro sa mga SIM card sa lahat ng mga gumagamit nito sa pamamagitan ng pagrerehistro ng impormasyon sa isang registration form na ise-set up sa mga mobile phone.

Inaatasan din ng panukala ang lahat ng public telecommunications entities na humingi ng valid ID na may larawan sa mga gumagamit ng SIM card upang mapatunayan ang kanilang pagkakakilanlan.

Kailangan ding pumirma ng end user sa control-numbered registration form mula sa PTE ng biniling sim card purchased, batay sa panukala.

Sa ilalim ng panukala, kailangan ding irehistro ng foreign nationals ang kanilang SIM cards.

Kailangan ding ibigay ang mga sumusunod na impormasyon: buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, at tirahan ng end user.

Sa ilalim ng confidentiality clause, lahat ng impormasyon sa sim card shall ay “absolutely confidential,” maliban na lamang kung mayroong written consent ng subscriber. RNT/SA