SIM card registration bill pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

SIM card registration bill pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

September 14, 2022 @ 5:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang pagpaparehistro ng lahat ng postpaid at prepaid mobile phone subscriber identity module (SIM) cards na naglalayong mabawasan ang illegal na aktibidad gamit ang mga cellphones.

Si House Speaker Martin Romualdez ang syang pangunahing may akda ng panukala.

Ang SIM Card registration ay noon pang 15th Congress naihain sa Kamara o may 12 taon subalit hindi pa rin naisasabatas.

Umaasa ang mga mambabatas ngayong 19th Congress na maisasabatas na ito kasunud na rin ng naglipana at nakakaalarma nang mga spam text messages na ipinadadala sa mga users na naglalaman na ng private information gaya ng kanilang buong pangalan na malinaw na paglabag sa Data Privacy Act.

Sa ngayon ay tanging postpaid mobile subscriptions lamang ang nairerehistro subalit mas malaking populasyon ang gumagamit ng prepaid.

Sa kanyang sponsorship bill sinabi ni House Committee on
information and Communications Technology Chairman at Navotas Rep.
Tobias Tiangco na ang pagpaparehistro ng SIM card ay isang hakbang para mabawasan ang krimen.

“It is an accepted fact that anonimity involved in prepaid SIM cards constitutes a major threat to our law enforcement, banking and financial frauds, kidnapping, sexual exploitation of children, cyber theft, and other similar crimes have been reported, but remain unsolved due to untraceable nature of disposable SIM cards”pagtatapos pa ni Tiangco. Gail Mendoza