SIM REGISTRATION ACT, ISA NANG BATAS

SIM REGISTRATION ACT, ISA NANG BATAS

October 13, 2022 @ 4:59 PM 2 months ago


NALAGDAAN na ang SIM Registration Act at isa na ngayong batas. Yehey!
Pero bakit nagising pa rin ako kahapon ng umaga na may kalahating dosena ng SPAM messages habang ang kalahati pa ay voice calls mula sa mga pre-recorded loan agencies?
* * *

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa Manila Bulletin na “walang limitasyon sa kung ilang SIM cards ang pupuwedeng nakarehistro sa iyong pangalan.”

Nagmungkahi pa nga si Uy na gawin na lang online ang pagpaparehistro upang maiwasang dumagsa ang mga tao sa opisina ng kani-kanilang public telecommunications entity (PTE).

Ang mungkahing ito ay lohikal at praktikal. Malinaw ang batas. Hindi na ngayon pupuwedeng ikatwiran ng isang tao na maraming rehistradong SIM na ang isa sa kanyang mga SIM cards ay nanakaw o nawala kapag nagamit iyon sa krimen.
* * *

Binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon nitong walang pagdanak ng dugo pero nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit P6.7 bilyon halaga ng hinihinalang shabu sa Maynila nitong weekend bilang bagong mukha ng giyera kontra ilegal na droga.

Ano pang masasabi ko? Tuloy mo lang ‘yan, Gen. Rodolfo Azurin Jr. Ang Firing Line at ang bayang ito ng mga disenteng Pilipino ay nasa likod mo.
* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.