Sim Registration Act, lalagdaan ni PBBM sa Lunes

Sim Registration Act, lalagdaan ni PBBM sa Lunes

October 8, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Wala nang makapipigil sa mandatory registration  ng sim card sa bansa.

Sa  darating na Lunes, Oktubre 10 ay nakatakdang tintahan ng Pangulo ang SIM Card registration bill  sa Malakanyang.

Kamakailan,  nagpahayag si Executive Secretary Luis Bersamin na malaki ang tiyansang lagdaan ng Chief Executive ang naturang panukalang batas.

At ngayon aniyang darating na Lunes, lalagdaan na nga ni Pangulong Marcos ang panukalang batas na naglalayong mapigilan ang masasamang elemento na maisagawa ang panloloko  at pagkamal ng salapi sa iligal na pamamaraan gamit ang cellphone.

Sa sandaling malagdaan na at maging ganap na batas, magiging  madali na ang pagtukoy sa mga masasamang loob na nasa likod ng text scams at online messaging gayong obligado nang irehistro ang kanilang Subscriber Identity Module o SIM.

Nitong nakaraang Martes ay inaprubahan ng Senado sa 3rd at final reading ang SIM Card registration bill. Kris Jose