SIM registration, BSKE postponement bills naisumite na sa Palasyo

SIM registration, BSKE postponement bills naisumite na sa Palasyo

October 4, 2022 @ 3:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Opisyal nang nai-transmit ng mga pinuno ng Senado at Kamara nitong Martes ang mga kopya ng mga panukala sa SIM registration at postponement ng 2022 barangay and Sangguniang Kabataan elections.

Isinumite nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang unang dalawang panukala na inaprubahan sa 19th Congress kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza para sa pag-apruba at paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Hopefully these first enrolled bills will now turn into our first two laws. Nakakabuo na tayo ng maganda at effective na working relationship with the House, and if our bicameral sessions for these two bills are anything to go by, then I think we can all expect to have a very active and productive 19th Congress,” pahayag ni Zubiri.

Nagkaroon ng ceremonial signing ng dalawang panukala sina Zubiri at Romualdez kaninang umaga. Kasama rin dito sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senators Grace Poe, Imee Marcos, at JV Ejercito, House Majority Leader Mannix Dalipe, Representatives Toby Tiangco, at Yoyette Ferrer.

Inihayag ni Zubiri na nakatakdang tintahan ng Pangulo ang dalawang panukala ngayong Martes.

“We need this law. Masyado nang laganap ’yung mga text at online scam. Scammers keep on finding creative ways to trick people, and we can’t stop or even trace them kasi nga anonymous sila. Bagong scam, bagong SIM, ganon kadali,” ayon pa sa senador.

Naglalayon ang panukalang SIM Registration Act seeks na wakasan ang krimen sa paggamit ng platform kabilang ang text at online scams sa pagkontrol ng pagbebenta at paggamit ng Subscriber Identity Module (SIM) sa pagkakasa ng mandatoryong rehistrasyon sa end-users.

Samantala, itinutulak sa isa pang panukala ang paglipat sa 2022 BSKE 2023 sa huling Lunes ng Oktubre 2023. RNT/SA