SIM registration challenging sa senior, PWD – consumer group

SIM registration challenging sa senior, PWD – consumer group

December 27, 2022 @ 11:59 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maaaring mahirapan ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa pagpaparehistro ng kanilang SIM card na mandato ng bagong batas na SIM registration law.

Ito ang sinabi ni Philippine Coalition of Consumer Welfare founder Ricardo Samaniego sa panayam ng CNN Philippines nitong Lunes, Disyembre 26.

“This (law) is particularly challenging sa mga senior citizens as well as PWDs. They may need some assistance,” ani Samaniego.

“While telcos are united in this cause, registering as many SIM cards as they can, based on our experience, we have this national ID registration… I, myself, registered in July 2019 and got it in October of 2022,” dagdag niya.

Sa kabila ng inaasahang mga isyu at pagsubok sa ilang magpaparehistro, siniguro naman ng mga telecommunications company na tutulungan nila ang mga subscribers sa pagpaparehistro ng kanilang mga SIM card. RNT/JGC