SIM registration kasing bilis lang ng pagbubukas ng e-wallet – DICT

SIM registration kasing bilis lang ng pagbubukas ng e-wallet – DICT

October 17, 2022 @ 9:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na madali lang ang pagpaparehistro ng subscriber identity module (SIM) cards.

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, wala itong ipinagkaiba sa pagbubukas ng account  gamit ang  e-wallet platform.

“This method would allow for the fast and convenient registration of about 144 million SIM cards,” ayon kay Uy.

Wika ni Uy,  maaaring i-upload ng isang mobile subscribers ang kanilang required personal information,  kasama ang digital copy ng isang valid ID, sa pamamagitan ng  isang online site o app.

Ang isang valid ID  ay maaaring  passport na ibeberipika ng  Department of Foreign Affairs.

Ani  Uy, ang proseso ay paplantsahin at isasapinal sa SIM Registration Act’s implementing rules and regulations. ang batas ay nilagdaan noong Oktubre  10.

“We are still working on the IRR. Let’s wait for the IRR,” ayon sa Kalihim. Kris Jose