SIM REGISTRATION, MAHIGIT 10% PA LANG NAREREHISTRO

SIM REGISTRATION, MAHIGIT 10% PA LANG NAREREHISTRO

January 21, 2023 @ 1:13 PM 3 weeks ago


TATLONGĀ Linggo matapos simulan ang pagrerehistro ng subscriber identity module (SIM) cards alinsunod sa Republic Act No. 11934, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na 10.47% pa lamang o 17.69 million SIM pa lamang ang naka-rehistro mula sa higit kumulang 169 million SIM cards sa buong bansa.

Base ito sa mismong ulat ng mga private telecommunications entities (PTEs) na Smart Communications na may 8.36 million SIMs registered, 7.76 million mula sa Globe Telecom, at 1.56 million sa Dito Telecommunity.

Bagamat hanggang April 26, 2023 pa magtatagal ang registration, hinihikayat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng mga Pilipino na gumagamit ng SIM cards na irehistro na ito ngayong buwan para maiwasan ang deactivation.

Aminado ang NTC at ang PTEs na sa unang Linggo ng pagpapatupad ng SIM card registration ay nagkaroon ng kalituhan at kabagalan ng sistema, kanila na umano itong nagawaan ng paraan at naiayos kaya huwag nang hintayin pa ang huling buwan, huling Linggo o huling mga araw ng pagpapatala.

Base sa inyong provider ay maaaring mag-rehistro sa mga sumusunod ā€“

SmartĀ Ā Ā :Ā https://simreg.smart.com.ph

Globe:Ā new.globe.com.ph/simreg

Dito:Ā https://digital.dito.ph/pto/download/app

Sinasabayan na rin ito ng PTEs ng mga pagpapatala sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) katuwang ang mga local government units at Barangay lalo na sa mga tawid-dagat at bulbunduking mga lugar.

Naniniwala ang National Privacy Commission (NPC) na isa sa mga nagpapadalawang-isip sa mga SIM subscribers ay ang paghingi ng consent o pagsang-ayon sa paggamit ng personal data para sa marketing, profiling at pagbabahagi sa third-party partners ng mga PTEs.

Mahalaga para sa NPC na maseguro ng PTEs na mayroon itong tamang sistema sa pagtatago, paglalabas at pagbabahagi ng mga personal data na siya namang itinatadhana ng Data Privacy Act o ang R.A. 10173.

Maging sa SIM registration act ay mahigpit na nakalagay na kakailanganin ang paglalabas ngĀ Court OrderĀ oĀ subpoenaĀ bago makapagbahagi ng anumang personal information. Mahigpit ang parusa sa mga lalabag at may malaking penalty.

Para sa anumang katanungan o reklamo, maaari itong iparating sa DICT sa pamamagitan ng hotline 1326.Ā