SIM registration sa remote areas, aarangkada na
January 24, 2023 @ 2:24 PM
1 week ago
Views: 124
Shyr Abarentos2023-01-24T14:17:50+08:00
MANILA, Philippines- Sisimulan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) ang ‘assisted SIM registration’ sa remote areas ngayong linggo.
Sa isang kalatas, sinabi ng DICT na ang rollout sa ‘assisted SIM registration’ para sa 15 identified remote locations sa iba’t ibang laalwigan ay sisimulan, bukas, Enero 25 hanggang 27.
Ang pilot areas at ang ‘corresponding date’ para sa assisted SIM registration ay ang mga sumusunod:
Day 1 – Enero 25
-
Pasuquin, Ilocos Norte – municipal auditorium ng Pasuquin
-
Moalboal, Cebu – municipal hall ng Moalboal
-
Palo, Leyte – municipal gym ng Palo
-
Pangantucan, Bukidnon – municipal gymnasium ng Pangantucan
-
Malalag, Davao del Sur – covered court ng Malalag
Day 2 – Enero 26
-
Atok, Benguet – basketball court sa Atok
-
Camalaniugan, Cagayan – Camalaniugan Sports Complex sa Brgy. Dacal, Lafugu, Maharlika Hi-way
-
Calumpit, Bulacan – municipal covered court ng Calumpit
-
Rosario, Batangas – Luancing Covered Court, sa likod ng Municipal Hall Brgy. Poblacion
-
City of Zamboanga, Zamboanga del Sur – multi-purpose covered court sa Brgy. Arena Blanco
Day 3 – January 27
-
Baco, Oriental Mindoro – covered court sa Brgy. Sta Rosa 1
-
City of Ligao, Albay – multi-purpose covered court sa Brgy. Paulba, Ligao City
-
Carles, Iloilo – covered gym ng Carles sa harap ng municipal hall
-
Arakan, Cotabato – Emergency Operations Center (MDRRM Office) sa Evacuation Center Bldg., Municipal Hall Compound, Poblacion
-
Tagbina, Surigao del Sur – municipal gym ng Tagbina
“The government-led facilitation of SIM registration in remote areas is intended to ensure that the implementation of the law is inclusive and that we finish the SIM registration on time,” ayon kay DICT spokesperson and Undersecretary Anna Mae Lamentillo.
“We are reaching out to SIM end-users in areas with limited telecommunication or internet access to assist them in registering their SIMs. The DICT’s Free Wi-Fi sites will serve as the hubs for SIM registration in geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs),” ang pahayag ni Lamentillo.
Para naman kay NTC officer-in-charge Commissioner Ella Blanca Lopez, sinabi nito na “the NTC, through the concerted effort of its regional offices and in coordination with the telcos and relevant government agencies, will ensure the proper conduct of the SIM registration in remote areas.”
“This endeavor is aimed at maximizing SIM subscriber participation in the SIM Registration process, thereby helping ensure the successful implementation of the SIM Registration Act,” ang wika ni Lopez.
Sa kabilang dako, inatasan naman ng The Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kinauukulang local government units (LGUs) na tiyakin ang tagumpay ng assisted registration ng GIDAs.
“The DILG is providing its full assistance in the rollout of SIM registration in remote areas through our LGUs. Secretary Benhur Abalos Jr. has already urged LGUs to exert all efforts to promote responsible use of SIM cards, educate their stakeholders on the benefits of SIM registration, and guide and assist our citizens in the whole registration process,” ayon kay DILG spokesperson Margarita Gutierrez.
Ang Department of Justice (DOJ) ay magbibigay naman ng suporta sa pagpapalabas ng NBI clearances, ayon sa DICT.
“The DOJ will be setting up NBI one-stop-shops so that citizens who do not have valid government-issued IDs can secure their NBI clearance on-site and use it from the SIM registration. This is one way we can provide support for the full implementation of the SIM Registration Law, which is an important tool for the DOJ in suppressing cybercrimes,” ang pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano.
Samantala, iniulat naman ng DICT na ang SIM registration ay naka-kompleto ng 24,120,541 SIMs “as of January 22.”
Base sa rekord na ibinigay ng NTC, ang kabuuang bilang ay 14.27% ng 168,977,773 million subscribers sa buong bansa.
“Broken down. Smart Communications Inc. reported a total of 12,167,220 SIMs registered, which is 17.9% of Smart’s 67,995,734 subscribers. Globe Telecom Inc. recorded 9,988,656 registered, which is 11.37% of its 87,873,936 subscribers,” ayon sa ulat.
Sa report naman ng DITO Telecommunity Corp. may kabuuang 1,964,665 SIMs ang registered o 14.99% nito ay 13,108,103 subscribers. Kris Jose
January 31, 2023 @3:10 PM
Views: 3
MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes, Enero 31 sa Kongreso na isama ang pondo para sa interest subsidy support sa mga housing projects sa national budget sa mga susunod na taon.
Kasabay ito ng pagdalo ni Marcos sa groundbreaking ceremony ng Batasan Development Urban Renewal Plan sa Quezon City sa ilalim ng programa ng administrasyon na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.
“I now call on Congress for your support, including housing interest support as part of the regular appropriations for the succeeding years,” sinabi ng Pangulo.
“Bukod pa roon, pinag-aaralan namin ni Secretary Acuzar ang pagtatayo ng subsidy fund para dito sa ating housing program,” dagdag pa niya.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang event ay sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Acuzar na posibleng mapababa ang monthly amortization ng pabahay sa tulong ng interest subsidy.
Halimbawa, sa halip na P8,000 monthly amortization kada pamilya, nasa P3,500 hanggang P4,000 na lamang ang babayaran kapag may interest subsidy.
“Ang usapan ho namin, hahanapan niya ng paraan na malagyan ng interest subsidy ang pabahay sa program. Kasi interest subsidy napakaimportante, ‘yun ang magpapababa ng monthly amortization ng pabahay,” sinabi ni Acuzar.
“Walang libre, may babayaran pa rin pero mura na lang,” dagdag nito.
Ang unang phase ng redevelopment ng Batasan area ay kabilang na ang pagtatayo ng 33-storey buildings na may kabuuang 2,160 housing units ayon sa DHSUD.
“I welcome then and encourage the DHSUD to continue their efforts in forging and strengthening partnerships with other government agencies and the private sector to secure requirements for housing production and funding,” pahayag naman ni Marcos.
“Be it the officials, personnel, developers, construction groups, and private banks — your honest work and prompt compliance with documentary and legal requirements are needed to commence the funding and construction of housing units as originally planned,” pagpapatuloy nito.
Matatandaang target ng administrasyong Marcos na makapagtayo ng anim na milyong housing units sa loob ng anim na taong termino nito. RNT/JGC
January 31, 2023 @3:09 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Inilatag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ang four-point plan para sa mga nakatutok na aksyon ng ahensya sa mga darating na buwan.
“Nandito ako para pagsilbihan ang mga atleta at magsilbi sa sports, wala nang iba pa” giit ni Bachmann sa kanyang pambungad na mensahe.
4-POINT PLAN
Ang kanyang mga agarang plano ay binubuo ng apat na focus-interes: magkaroon ng isang mas mahusay na sistema para sa napapanahong pagpapalabas ng mga allowance ng mga atleta, pagpapabuti ng mga pasilidad, pagkakaloob ng mga pagkain para sa mga atleta, at pangangalaga sa back-of-house ng PSC.
“For me, to serve the athletes well, kailangan ko silang makilala. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong maglibot at makipagkita sa mga atletang ito. I don’t want to be that chairman who’s stuck in the office. Gusto kong puntahan sila. ‘Yan ang ginagawa ko nitong mga nakaraang linggo,” ani ng sports agency chief.
Si Bachmann ay gumagawa ng mga round, bumisita at nakikipag-usap sa mga atleta, coach at opisyal ng iba’t ibang pambansang asosasyon sa palakasan. Mula sa kanyang appointment at pag-ako sa tungkulin noong Disyembre, binisita ng PSC Chief ang mga training venue ng gymnastics, water polo, squash, soft tennis, table tennis, swimming, para-athletics, boxing, muay, wushu, athletics at weightlifting.
Ininspeksyon din ng PSC chief ang mga pasilidad na pinamamahalaan ng PSC at binibigyang pansin ang mga kagamitang pang-sports na regular na ginagamit ng mga miyembro ng pambansang koponan.
Bukod sa mga atleta, nagkomento din si Bachmann na ang pag-aalaga sa tauhan ng PSC ay pare-parehong mahalaga “dahil hindi ako makakapaglingkod nang wala ang kanilang tulong.”
Sa pagtulong kay Bachmann, binisita din nina Commissioners Olivia “Bong” Coo, Walter Torres at Edward Hayco ang ilang pambansang koponan tulad ng Pilipinas Obstacle Sports Federation, Karate Pilipinas Sports Federation Inc., Philippine Wheelchair Basketball Federation at Philippine Paralympic Committee.
Tiniyak din niya na ang PSC board ay patuloy na magbibigay ng suporta at pagpapahusay sa mga kondisyon ng pagsasanay ng lahat ng pambansang koponan sa mga darating na buwan na may suporta mula sa mga kasosyo tulad ng PAGCOR, PCSO, Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines at Pioneer Insurance.
CAMBODIA SEAG
Nang tanungin na hulaan kung ano ang magiging takbo ng delegasyon ng Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Cambodia, nagkomento ang PSC chief na ang pokus ng sports agency ay ang matiyak na ang kanilang (national athletes) ay lahat ay naaasikaso upang matulungan silang gumanap nang maayos.
Ibinahagi ni Bachmann na ang ilang mga atleta na hindi bahagi ng national training pool roster ay papayagang dumalo sa mga internasyonal na laro upang magkaroon ng karanasan.
Tiniyak din niya na magagamit ang budget na inilalaan ng gobyerno at aktibo siyang gumawa ng mga hakbang upang matiyak ang tama at makatarungang paggamit nito.
Ibinahagi ni Bachmann, na nagtrabaho sa buong buhay niya sa mga atleta dahil dati rin siyang atleta, na ang paggawa ng mabuti sa trabaho ang mahalaga kung ang isa ay nasa pribado o serbisyo sa gobyerno.
“It is not about me, not only me. Para magtagumpay tayo, kailangan ko ang suporta ng lahat. As long as we all work together, for the athlete, for sports, wala tayong problema,” pagtatapos ni Bachmann.RICO NAVARRO
January 31, 2023 @2:57 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Padadaliin na ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagtanggap ng mga packages, kasabay ng pag-aanunsyo nito araw ng Martes, Enero 31 ng kauna-unahang smart locker system sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Pebrero.
Sa pahayag ng LRMC, ang mga smart locker ay ilalagay sa lahat ng 20 istasyon ng LRT-1 upang magbigay ng efficient, contactless delivery service para sa mga mananakay na nais gamitin ang mga istasyon na maging pick-up locations ng kanilang items.
Kasunod ito ng kasunduan ng LRMC at Airspeed Group of Companies nitong Lunes, Enero 30 sa pagbili ng PopBox, isang smart locker system na magpapadali sa pagkuha ng mga delivery.
Ginagamit na ang ganitong teknolohiya sa Indonesia at Malaysia.
Ayon sa LRMC, magsisilbi rin ang Airspeed bilang official logistics partner para sa mga customers nito, kabilang ang e-commerce platforms at small and medium-sized businesses.
Sinabi naman ni LRMC President at CEO Juan Alfonso na ang pagbili sa mga PopBox ay naaayon sa target ng LRMC na pagbutihin pa ang commuter experience.
“The LRMC team is passionate about innovation. Driven by our shared mission to enhance the commuter experience and make it truly world-class, we want to make commuters feel like they are in a station that they might go to in other countries,” ani Alfonso.
“We aim to give our passengers a glimpse into our future, and we’re glad to partner with the Airspeed Group in making part of this vision happen,” dagdag niya.
Samantala, siniguro naman ni Airspeed Group Chairperson Rosemarie Rafael, ang pagbibigay ng mabuti at mabilis na online shopping experience para sa mga Filipino. RNT/JGC
January 31, 2023 @2:44 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng value added tax program para sa mga dayuhang turista.
Simula sa 2024 ang mga dayuhang bibisita sa bansa ay pagkakalooban ng VAT refund.
Sa ilalim ng programa, ang mga dayuhang turista ay makakakuha ng VAT refund sa mga binibili nilang produkto sa Pilipinas.
Layunin nitong mas makahikayat pa ng maraming turista para bumisita sa bansa.
Inaprubahan din ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ngayong taon ng online visa para sa mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese tourists.
Aalisin na din ang One Health Pass (OHP) para sa immigration at customs.
Ang VAT Refund Program at e-visa ay bahagi ng “Quick Wins” recommendations ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group sa pangulo.
Layon ng Quick Wins proposal ng PSAC na mas mapaigting pa ang tourism industry sa bansa.
Sinabi rin ng PSAC officials kay Pangulong Marcos na pinaplantsa na din ang pagkakaroon ng mobile app na tatawaging e-Travel kung saan pag-iisahin na ang mga impormasyon sa immigration, customs, health, at quarantine.
Inaasahang simula sa buwan ng Pebrero ay magagamit na ang nasabing app.
Ang mga turista ay maaring mag-fill up ng form sa pamamagitan ng app bago sumakay o habang sakay ng eroplano basta’t mayroon silang internet connection.
Ang PSAC ay binubuo ng mga business leaders at industry experts sa nagbibigay ng technical advice sa pangulo. RNT
January 31, 2023 @2:40 PM
Views: 23
MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang 41-anyos na lalaki matapos na masangkot sa kasong kriminal, sa lungsod ng Tarlac, taon na ang lumipas.
Sa ulat na nakarating sa pamunuan ni Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ng Talavera police ang di-umano’y suspek na si Domingo Estrelito y Viterbo, binata, residente ng Barangay Campos, Talavera, Nueva Ecija.
Sa report ng pulisya, dakong 3:20 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa ikinasang manhunt charlie operation sa Barangay Campos, Talavera, Nueva Ecija nang pinagsanib na operatiba ng Warrant at Intelligence Section ng Talavera police station katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at 303rd Memorandum Circular (MC) Regional Mobile Force Batallion 3 (RMFB3).
Si Domingo ay inaresto makaraang magpalabas ang korte ng Alias Warrant para sa kasong Qualified Theft na may criminal case number 9111-2019 na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 63, Tarlac City, Tarlac na pinetsahan noong June 13, 2022 at natanggap umano ng nasabing istasyon ng pulisya noong September 7, 2022 at may piyansa sa halagang P72,000.
Pansamantala ang suspek ay nasa kustodiya ng Talavera municipal police station. Elsa Navallo