SIM registration update tututukan ni PBBM

SIM registration update tututukan ni PBBM

January 13, 2023 @ 9:33 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – HUMIRIT si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng update sa implementasyon ng Republic Act (RA) 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.

Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Marcos ang isang meeting sa State Dining Room ng Palasyo ng Malakanyang kasama ang mga opisyal ng Private Sector Advisory Council (PSAC), ayon sa Facebook post ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).

“The President also asks for updates on the ongoing registration of subscriber identity module (SIM) cards as mandated under Republic Act No. 11934 or the SIM Card Registration Act,” ayon sa RTVM.

Ang RA 11934, unang batas na nilagdaan ng Pangulo ay naglalayong i- regulate ang paggamit ng SIM cards sa pamamagitan ng pagbibigay mandato sa lahat ng end-users na irehistro ang kanilang mobile phone numbers.

Ang 180-day registration period ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022, at maaaring mapalawih ng panibagong 120 araw, kung kinakailangan.

Sa ilalim ng batas, “all existing SIM subscribers are required to submit an accomplished form through a database platform or website provided by the telecommunications firms within 180 days.”

Ang mga Phone numbers na mananatiling hindi rehistrado matapos ang anim na buwan ay ide- deactivate.

Samantala, tiningnan din ng Pangulo sa nasabing miting ang digital infrastructure work plan ng PSAC.

Nakatuon ang miting sa “future plans in strengthening the country’s digital infrastructure,” ayon sa RTVM.

“During the meeting, the Chief Executive reviews the Digital Infrastructure Work Plan presented by the PSAC members,” ayon pa rin sa RTVM.

Sinabi pa ng RTVM na tinalakay din nj Pangulong Marcos ang digital infrastructure plan kasama ang mga opisyal ng National Economic at Development Authority, Department of Transportation, Department of Information and Communications Technology, Philippine Statistics Authority at Anti-Red Tape Authority.

Isa sa prayoridad ni Pangulong Marcos ay ang makamit ang “universal connectivity” sa loob ng bansa.

Ang PSAC, sa pamumuno ni Aboitiz Group President at Chief Executive Officer Saibin Aboitiz, ay binuo ni Pangulong Marcos para palakasin ang kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng public at private sectors. Kris Jose