Simbahan ‘di pinatawad ng kawatan

Simbahan ‘di pinatawad ng kawatan

July 19, 2022 @ 9:49 AM 1 month ago


BATANGAS- INAALAM na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumangay ng perang donasyon ng simbahan nitong Sabado sa bayan ng Padre Garcia.

Batay sa report ng Padre Garcia Police Station, madaling araw ng Sabado nilooban ng hindi baba sa dalawang kawatan ang Most Holy Rosary Parish sa nasabing bayan.

Sinira ng mga suspek ang kandado ng donation box na naglalaman ng higit sa P3,000.00.

Kinabukasan ng Linggo ng umaga, araw ng samba ng mga debotong Katoliko nadiskubre na sinira ang kandado ng donation box at nilimas ang lahat ng pera./Mary Anne Sapico