Simbang gabi sa Vatican, pangungunahan ni Tagle

Simbang gabi sa Vatican, pangungunahan ni Tagle

December 13, 2021 @ 6:49 AM 10 months ago


ROME – Pangungunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect of Congregation for the Evangelization of Peoples ang pagbabalik ng tauhang Simbang Gabi sa Vatican.

Gagawin ang unang Simbang Gabi sa Disyembre 19 kung saan nasa 500 ang inilaang sitting tickets dahil limitado pa rin kapasidad para sa nais na dumalo sa misa ayon kay Flordeliza Racadio, Secretary Pastoral Council ng Sentro Pilipino Chaplaincy.

Maari naman pumasok sa Vatican ang mga walang ticket ngunit sa gilid lamang sila maaring pumuwesto.

Mahigpit pa rin namang ipapatupad ang social distancing at pagsusuot ng facemask.

Gaganapin din mula Disyembre 15 ang Simbang Gabi sa Basilica di Santa Pudenziana.

Gaganapin ang novena para kay Birheng Maria mula alas 6 at alas 7 ng gabi.

Ang Pasko ang isa sa pinamasayang pagdiriwang para sa mga Pinoy saang mang sulok ng mundo at bahagi nito tradisyon na Simbang Gabi na tanda ng lakas ng pananampalataya lalo ngayong nasa gitna pa rin ng pandemya. Jocelyn Tabangcura-Domenden