Simpleng epekto ng Sinovac vax naranasan ng 141 healthworker sa Region 2

Simpleng epekto ng Sinovac vax naranasan ng 141 healthworker sa Region 2

March 15, 2021 @ 7:55 AM 1 year ago


CAGAYAN – Simpleng adverse effect ang naranasan ng mahigit sa isang daan at apatnapu’t isa ang nabakunahan mula sa Sinovac Vaccine sa rehiyong dos, kung saan sa mahigit kumulang sa siyam na libong unang nabakunahan, ayon sa pamunuan ng Deparment f Health (DOH) region-2.

Sinabi ni Dr. Rio Magpantay, regional director DOH-region-2  karamihan umano sa nakaranas ng adverse effect ay isang simpleng minor na epekto ng bakuna tulad ng pananakit ng ulo at pahagyang pagtaas ng presyon na agad ding naaksuyan ng mga attending physicians.

Samantala, sa siyamnapung bahagdan na ng helath workers ang natapos na mabakunahan sa rehiyong dos mula sa Sinovac Vaccine habang inihahanda na ng DOH region-2 kung saan idedeliver ang bakuna na mula naman sa Aztrazeneca maging ang ikalawang dose ng Sinovac.

Ayon parin kay Dr. Magpantay, kasalukuyan pang bineberipika nila ang bilang ng mga unang nabakunahan upang makatiyak ang alokasyong ibibigay sa pamunuan ng DOH region-2.

Aniya napaaga ang pagdating ng 2nd dose ng sinovac ngunit kailangan pa ring hintayin ang apat na linggo bago ito  simulan ang pagbabakuna para sa 2nd dose.

Ngayong araw ay sisimulan na ng DOH Region 2 ang pagdeliver ng aztrazeneca vaccine sa mga ospital na handa na sa vaccination program para sa mga senior citizen at mga umayaw na magpabakuna sa sinovac. JUN C. FUENTES