Simpleng libing isasagawa kay Pope Benedict XVI

Simpleng libing isasagawa kay Pope Benedict XVI

January 1, 2023 @ 2:43 PM 1 month ago


VATICAN CITY – Isasagawa ang simpleng lamay at libing para sa katawan ni Pope Emeritus Benedict XVI sa St. Peter’s Basilica simula bukas, Enero 2.

Mananatili ito doon ng tatlong araw bago tuluyang ihimlay sa Enero 5.

Inilahad ng Vatican ang detalye ng mga seremonya sa lamay at libing ng dating Santo Papa:

– Madaling araw ng Lunes, Enero 2, mananatili sa maliit na monasteryo sa Vatican ang katawan ni Pope Benedict kung saan siya nanirahan. Walang official visit at public prayers ang isasagawa sa mga oras na ito.

– Alas-9 ng umaga ng kaparehong araw ay ililipat ito sa St. Peter’s Basilica para sa public viewing at gagawin ito ng tatlong araw, o mula Enero 2 hanggang 4.

Isasagawa naman ang funeral sa Huwebes, Enero 5 sa St. Peter’s Square, sa tapat ng basilica at sisimulan ang seremonya 9:30 ng umaga na pangungunahan ni Pope Francis.

Makalipas ang seremonya ay ibabalik sa loob ng St. Peter’s Basilica ang katawan ni Pope Benedict XVI at ihihimlay sa Vatican Grottoes na nasa ilalim ng simbahan kung saan din nakalibing ang 90 iba pang Santo Papa. RNT/JGC