12 NPA na sumuko nakatanggap ng P240K sa DSWD

August 15, 2022 @10:31 AM
Views:
39
AGUSAN DEL SUR- UMABOT sa P240-K na tulong ang natanggap na 12 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan noong Biyernes.
Sa pahayag ng 26th Infantry Battalion (26IB) sa ginanap na seremonya noong Biyernes sa Naliyagan Cultural Center in Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur ang 12 dating rebelde ay sumuko noong nakaraan taon.
Personal na tinanggap nila ang livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Each of the 12 former rebels under this unit received assistance worth PHP20,000 or a total of PHP240,000 through the Livelihood Settlement Grant (SLG) program of the DSWD,” ani ng 26IB.
Ang programang LSG ay dinisenyo upang magbigay ng tulong sa mga dating rebelde bilang paghahanda sa kanilang mga sarili na bumalik sa kanilang mga pamilya at komunidad.
Ang paggawad ng tulong pinansyal ay pinadali sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Executive Order No.
Ang LSG ay ang programa program is designed to provide assistance to former rebels as they prepare themselves to return to their families and communities.
The awarding of the financial assistance was facilitated through the convergence of different government agencies under Executive Order No. 70 na nag-institusyunal sa buong bansa para tapusin ang Local Communist Armed Conflict.
Pinangunahan ni Agusan del Sur Gov. Santiago Cane Jr., kasama sina DSWD Provincial Officer Razel Montemor, Department of the Interior and Local Government Provincial Officer Arleen Sanchez, Lt. Col. Merill Sumalinog, commander ng 60th Infantry Battalion, at Lt. Col. Sandy Majarocon, commander ng 26IB ang pamamahagi ng assistance.
Nagpasalamat naman ang isa sa 12 dating rebelde na si alyas Rex sa pamahalaan at binigyan sila ng panibagong buhay .
“The government is true to its promise of providing us support to allow us to live peacefully after leaving the communist movement,” ani pa ni Rex sa pahayag ng 26IB.
Labis naman ikinatuwa ni Majarocon ang pagpapalabas ng tulong pangkabuhayan na nagpapakita ng tunay na layunin ng pamahalaan na baguhin ang buhay ng mga dating rebelde.
“I am asking our former rebels who benefited from this program to be financially sensible and make wise of their money which is duly intended for their livelihood and family,” ani pa ni Majarocon./Mary Anne Sapico
August 14, 2022 @3:59 PM
Views:
39
MANILA, Philippines – Nakatakdang ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang taunang Oplan Balik Eskwela (OBE) at simulan ang operasyon ng Public Assistance Command Center (PACC) nito sa pangunahing opisina nito sa Pasig City sa Lunes, Agosto 15.
Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na dadalo ang mga kinatawan ng iba pang ahensya ng gobyerno sa paglulunsad ng OBE para tulungan ang Education department na maghanda para sa pagbubukas ng paaralan.
Tutugon ang PACC sa mga reklamo at kahilingan kaugnay ng pagbubukas ng paaralan sa Agosto 22.
Ang mga magulang, mag-aaral, at guro ay maaaring magturo sa kanilang mga alalahanin sa pamamagitan ng mga hotline, email, text message, social media, at mga liham at pag-endorso para sa nararapat na aksyon, sabi ng DepEd. sa isang pahayag.
Ipapakalat at lilinawin din ng PACC ang impormasyon tungkol sa pagsisikap ng DepEd para sa pagbubukas ng mga klase.
Inatasan din ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga regional offices at schools division office ng DepEd na mag-set up ng kanilang mga command center sa pamamagitan ng Public Affairs Unit ng ahensya.
Kabilang sa mga ahensyang kalahok sa OBE ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of National Defense, Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, Department of Interior and Local Government, Department of Energy, Department of Information and Communications Technology , at ang Department of Trade and Industry.
Makakasama rin sa inisyatiba ang Philippine National Police, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, National Disaster Risk Reduction and Management Council, Metropolitan Manila Development Authority, National Telecommunications Commission, Manila Electric Company, at Metropolitan Waterworks and Sewerage System. RNT
KALIGTASAN NG 200K PINOY SA TAIWAN DAPAT TIYAKIN

August 12, 2022 @3:25 PM
Views:
73
NGAYON pa lang, dapat nang magplano at gumawa ang pamahalaan ng mga hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng Pinoy sakaling may hindi magandang mangyari sa Taiwan.
Alam naman ng lahat na nag-iiringan ang Taiwan at China at lumala ang iringan makaraang bisitahin ang una ni Nancy Pelosi na Speaker ng United States House of Representatives.
Nagsasagawa sa mga araw na ito ang China ng tuloy-tuloy na praktis na tila anyo ng darating na pwersahang pagsakop sa Taiwan.
Noong nakaraang Huwebes hanggang araw ng Linggo, nagsagawa ng live fire exercises ang China sa hilaga, timog at silangang bahagi ng Taiwan.
At sa pagitan ng Taiwan at China na Taiwan Strait o karagatang nasa pagitan ng mga ito, pumasok ang China sa nasasakupan ng Taiwan.
At sa bandang timog, anak ng tokwa, pumasok ang mga pandigmang barko ng China sa 12 nautical miles na itinuturing na teritoryong pandagat ng Taiwan.
Nagpalipad din ang China ng missile sa ibabaw ng Taiwan habang lumapit nang husto ang mga fighter plane at bomber ng una sa teritoryo ng huli.
Sa huling mga araw, nagsagawa rin ang China ng mga ehersisyon sa parteng hilaga sa pagitan ng Japan at Taiwan at kasama rito ang mga submarino at barko at ngayo’y nakikipagpatintero ang mga barko ng Taiwan sa mga ito.
BUNGA NG EHERSISYO
May bala ang mga kanyon, baril at live missile ang mga pinalilipad ng China.
Sa ngayon, nagsasagawa rin ang Taiwan sa mga karagatan at kalupaan nito ng mga live fire exercise para pandepensa sa kanilang sariling bayan.
Ang lahat ng ito ay nagbunga ng mga kanselasyon ng mga biyahe ng eroplano.
Gayundin na maraming barko ang umiwas sa Taiwan Strait at naglayag sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.
Kung magiging tuloy-tuloy ang mga ito, kasabay ang mga harangan ng mga negosyo ng dalawa, may mga kompanyang manghihina at magsasara dahil sa paghina ng negosyo.
Mula sa nasa 200,000 Pinoy na nagtatrabaho sa Taiwan para sa turismo nila, pabrika, pangisdaan at iba pa, may mga Pinoy na maaapektuhan o mawalan ng trabaho.
Sana naman, hindi tutungo sa giyera ang mga ginagawa ng dalawa pero kung magkakagiyera, lalong mapasasama ang kalagayan ng mga Pinoy.
PAGLILIKAS AT PROTEKSYON NG MGA PINOY
Napakalaking bilang ang 200,000 katao para ilikas o protektahan mula sa kawalan ng trabaho hanggang sa gitna ng panganib sa ari-arian at buhay.
Ano-ano na ba ang mga paghahanda ng pamahalaan ukol dito?
Ano-ano na ba ang antas ng ugnayan ng pamahalaan at mga Pinoy ukol sa sabihin na nating pinakamasamang posibleng mangyari?
‘Yung bang === magkakagiyera at magkaroon ng mga pagharang ng galaw ng mga sasakyang panghimpapawid at pandagat at magkakaroon din ng mga patayan gaya ng nagaganap sa Russia at Ukraine?
Kung iisipin, napakalapit ang Taiwan sa Pilipinas at madali ang paglilikas.
Pero ibang usapan na kung may giyera dahil harang na ang lahat ng biyaheng panghimpapawid at pandagat.
Ano-ano rin ang gagawin sa magsisibalikang Pinoy na mawawalan ng trabaho at paano ang kanilang mga pamilyang umaasa sa mga ito?
PAMILYA’Y INGATAN

August 12, 2022 @3:23 PM
Views:
166
“BAWAL ang magkasakit,” ang sabi ng isang patalastas, dahil nga sa hirap ng buhay sa ngayon, ang pagpapagamot lalo na ang pagpapaospital ay ang tuluyan na nating ikamamatay.
Kaya maging ang ating pamahalaan ay kumambyo na sa diskarteng ‘ingatan ang ating mga sarili’, sa mas tiyak na ‘pagiingat ng buong pamilya.’
Ang mga sumunod na variant o klase ng corona virus, kahit na mahina na, nang dahil tayo ay may mga bakuna na, ay nakakahawa pa rin.
Tanungin niyo ang inyong mga kakilala kung paano sila nagkaroon ng virus na variant ng COVID-19, walang ibang sagot kung di nakapasok ito sa kanilang mga bahay at nagpalipat-lipat na, sa lahat ng miyembro pamilya.
Kaya ang dapat nating gawin ay pag-iingat bilang isang pamilya at di na bilang indibidwal.
Ihalimbawa natin ang ibang sakit na nakakahawa, gaya ng tuberculosis o TB. Milyon pa rin ang kaso nito sa Pinas at nagtatala ng pitumpung kamatayan kada araw.
Kasi naman kapag na-diagnose na ang isang may TB sa isang pamilya, ito lamang ang binibigyang pansin para magamot. Hindi na ang iba pa niyang nakasalamuha o nakasama, sa bahay man o sa pinagtratabauhan.
Kung ang pagiingat ay itututok natin sa buong pamilya, di na dadami ang nakakahawang sakit na ito. Ganun din na pagiingat na kinakailangan upang di na magkahawaan ng virus.
Kung dati ay ingatan ang ating mga sarili, ngayon ay dapat na ingatan ang pamilya. Sa ganitong paraan ay talagang maipagbabawal na natin ang magkasakit.
Iwas gastos na rin ang paraang ito. Dahil sa panahon ngayon, maituturing na rin natin ang paggastos o sabihin na nating ang mga gastusin ay sanhi na rin ng ating pagkakasakit. Sa iba pa nga ay kamatayan na ang resulta.
oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
ISYU SA P2.4B LAPTOP PURCHASE BUSISIIN

August 12, 2022 @3:21 PM
Views:
96