SINAG sa DA: Agwat ng farmgate, retail prices ng sibuyas, tugunan

SINAG sa DA: Agwat ng farmgate, retail prices ng sibuyas, tugunan

January 9, 2023 @ 9:20 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihirit ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) nitong weekend na tugunan ng gobyerno ang agwat sa pagitan ng presyo ng mga sibuyas na ibinebenta ng mga lokal na magsasaka at ng mga binibili ng mga mamimili.

Ayon sa grupo ng mga magsasaka, naglalaro ang farmgate price ng mga sibuyas sa P250 hanggang P300 kada kilo, at ang retail prices ay hindi dapat lumampas sa P400 kada kilo.

Umaabot naman ang presyo ng mga pulang sibuyas sa P720 kada kilo sa ilang mga pamilihan.

“Instead of contemplating on new onion imports, that will only result in depressed farmgate prices of onions, with the onset of the harvest season, the DA should rather concentrate on the huge gap between the farmgate prices and retail prices of onions,” sabi ng SINAG .

“Another round of onion imports will not guarantee reduced retail prices if the DA will remain useless in addressing the gap between the farmgate and retail prices,” dagdag nito.

Sinabi noong nakaraang buwan ng DA na hindi nito isinasaalang-alang ang pag-aangkat ng mga sibuyas, kahit na lampas na ang presyo sa suggested retail price na P170 kada kilo na itinakda noong Oktubre.

“Our onion farmers are more than aware that the current good prices of onions at the farm level are being used to justify the high retail prices of onions,” pahayag ng SINAG.

Sa kasalukuyan ay walang pang komento ang DA ukol dito.

Gayunpaman, naunang sinabi ni DA Spokesperson Rex Estoperez na ang mga presyo sa merkado ay dinidiktahan ng supply at demand at nakatakdang matugunan sa sandaling dumating ang ani sa unang bahagi ng taon. RNT/SA