Sinalvage? Bebot sinilid sa sako, itinapon sa Manila Bay

Sinalvage? Bebot sinilid sa sako, itinapon sa Manila Bay

March 12, 2022 @ 3:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Natagpuang lumulutang malapit sa isang barge sa Manila Bay sa Tondo, Maynila, ang bangkay ng babae na nakalagay sa sako.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad 50 hanggang 60 taong gulang na may tattoo sa kanang bahagi ng balikat at nakasuot ng itim na t-shirt at legging pants.

Ayon kay P/Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, natagpuan ang lumutang na bangkay ng isang welder na si Cris Agas, malapit sa barge sa Ramp 1 ng Ocean Transport Shipyard sa Vitas, Tondo.

Agad nitong ipinagbigay alam sa guwardiya ng barge na siyang nag-ulat naman sa Smokey Police Community Precinct (PCP).

Nakitaan ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktima ayon sa pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden