Sinas sa kapulisan: Manatiling ‘physically fit’ para mas makapagsilbi sa publiko

Sinas sa kapulisan: Manatiling ‘physically fit’ para mas makapagsilbi sa publiko

March 5, 2021 @ 2:15 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Debold Sinas ang kapulisan na manatiling ‘physically fit’ upang magawa at magampanan ang kanilang mga responsibilidad sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Kailangan, if you join the program committed kayo to change part of your habits at hindi ko kayo tatanggalin kung saan kayo na-assign para sa natural habitat natin, nandu’n kayo. You adapt on your own and we guide you through, kailangan ‘yung normal duties natin ay nandiyan pa rin at susunod lang tayo sa suggestions, recommendations, and guidelines,” saad ni Sinas sa paglulunsad ng Chubby Anonymous Project.

Dito ay ibinahagi rin ni Sinas ang kanyang karanasan sa weight loss journey upang mahikayat ang ibang kasamahan na maging madisiplina sa kalusugan at pangangatawan.

“The relentless, true-to-form and honest-to-goodness weight loss program of the PNP leadership, past and present, aims to help our personnel be watchful of their weight because I believe that a weight imbalance caused no less by obesity is definitely not healthy, especially in this time of the pandemic. We should be more cautious of our health and physical well-being.”

Kaugnay nito ay inanunsyo rin ni Sinas na nabawasan siya ng 55 pounds sa loob ng anim na buwan sa tulong ng diet at ehersisyo.

 “For the last six months, 55 pounds na ang bumaba. Hindi ba halata? 306 to 247 ang ideal ko is 215 to 220 with my height,” pahayag pa nito.

Sa ilalim ng fitness program ng PNP, babantayan ang mass index ng police personnel bilang hakbang na rin laban sa COVID-19.

 “It (monitoring of BMI) was suspended before I became the Chief PNP because of Covid-19. Now, I talked with the new DHRDD (Directorate for Human Resource Doctrine Development) chief because obesity causes diabetes, heart disease, which are comorbidities for COVID-19.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •