Sindikato na nasa likod ng naglipanang fake receipts, pinaiimbestigahan ng DOJ

Sindikato na nasa likod ng naglipanang fake receipts, pinaiimbestigahan ng DOJ

March 18, 2023 @ 12:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inatasan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) para tukuyin ang mga kompanyang gumagawa ng mga pekeng resibo.

Ayon kay Remulla, may testigo ang pamahalaan laban sa “ghost corporations” na nagbebenta at gumagawa ng mga pekeng resibo para makatakas sa pagbabayad ng buwis.

Kaugnay ito sa inihain na reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa DOJ ng mahigit P25 billion tax evasion complaint laban sa mga “ghost corporations”.

Ipinag-utos ni Remulla sa NBI Cybercrime Division na makipag ugnayan sa PNP Cybercrime Office sa pagkalap ng mga ebidensya.

Naniniwala si Remulla na isang malaking organized syndicate ang nasa likod ng mga kumpanya na gumagawa at nagbebenta ng fake receipts. Teresa Tavares