Singapore, Malaysia magbubukas ng kanilang border sa vaccinated travelers

Singapore, Malaysia magbubukas ng kanilang border sa vaccinated travelers

November 25, 2021 @ 10:33 AM 3 days ago


SINGAPORE — Bubuksan na ng Singapore at Malaysia ang kanilang mga bakuran sa susunod na linggo nang walang kwarantin na ipatutupad para sa mga kumpletong bakunado na, ayon sa dalawang bansa.

Epektibo sa Nobyembre 29, Lunes, ipatutupad ang travel lane sa mga flights sa pagitan ng Changi Airport at Kuala Lumpur International Airport.

Unang isasagawa ang land travel lane sa kanilang mismong mga residente, maging sa long-term pass holders ng bansang kanilang papasukan, para mabigyan sila ng oportunidad na madalaw ang kanilang mga pamilya sa kabilang border, ayon sa pahayag ng office of Singapore’s prime minister.

Mula rito, paunti-unting palalawigin ang sakop ng linya.

Sa kabilang banda, inanunsyo ng Malaysia na magsasagawa rin sila ng hiwalay na land border travel lane.

Malaysia announced the creation of the separately on Wednesday. RNT