Singapore target tumanggap ng Pinoy health workers – DMW

Singapore target tumanggap ng Pinoy health workers – DMW

September 7, 2022 @ 8:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Target ng Singapore na tumanggap ng karagdagang health workers mula sa Pilipinas, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

“[M]ismong gobyerno ng Singapore ang nag-reach out satin. Humihingi po sila ng karagdagan na mga Filipino health workers dahil sobrang napabilib po sila ng ating mga manggagawa noong panahon ng pandemya,” sabi ni DMW Secretary Toots Ople nitong Martes sa pakikipagtagpo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Filipino community sa Singapore.

Inihayag ni Ople na lalagda ang Pilipinas sa isang joint communiqué kasama ang Singapore’s Ministry of Health ngayong Miyerkules upang pormal na  ikasa ang intent for employment.

Idinagdag pa niya na na ngako ang Singapore na babantayan ang kapakanan ng overseas Filipino workers.

Sina Ople, Marcos, at ilan pang government officials ay nagtungo sa kalapit na Southeast Asian nation bilang bahagi ng inaugural state visits ng Pangulo.

Halos 200,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore, base sa datos ng Department of Foreign Affairs. RNT/SA