Singers Liam at Cheryl, hiwalay na

Singers Liam at Cheryl, hiwalay na

July 2, 2018 @ 6:07 PM 4 years ago


Hollywood – Sa twitter na lang inanunsiyo ng magkasintahang sina Liam Payne at Cheryl Cole na hiwalay na sila.

Sa post ng 24-year-old boyband artist sa Twitter, malungkot nitong ibinalita ang kanilang paghihiwalay.

“Cheryl and I are sad to announce that we are going our separate ways. It’s been a tough decision for us to make. We still have so much love for each other as a family. Bear is our world and we ask that you respect his privacy as we navigate our way through this together.”

Kasunod ito ng katatapos lang na 35th birthday ng ‘Girls Aloud’ singer na si Cheryl.

Nauna rito, nagkaroon na rin ng espekulasyon na hiwalay na ang dalawa.
Bagama’t hindi kasal, nagbunga ang pagmamahalan ng dalawa noong Marso 2017 ng isang baby boy na tinawag nilang si Bear. (Remate News Team)