Singil ng Meralco bahagyang tataas ngayong Hulyo

Singil ng Meralco bahagyang tataas ngayong Hulyo

July 9, 2021 @ 12:38 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na may bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Hulyo dahil sa patuloy na pagtaas ng singil ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Sa kalatas, sinabing madaragdagan ang household rate ng P0.2353 per kilowatt-hour (/kWh) na may kabuuang P8.9071/kWh mula P8.6718/kWh noong Hunyo.

Katumbas nito ang P47 sa total bill ng residential customer na umaabot sa 200 kWh ang konsumo. RNT/FGDC