Singil sa income tax, bababa sa 2023-BIR

Singil sa income tax, bababa sa 2023-BIR

December 24, 2022 @ 9:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magandang balita para sa mga nagbabayad ng buwis sa bansa dahil bubungad sa taong 2023 ang kaltas sa pagbabayad ng income tax, ayon sa  Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang mga indibidwal na kumikita ng pure compensation income, kabilang ang non-business/non-profession related income at sole proprietors, “ay maaaring umasa sa mas mataas na take-home pay sa 2023,” ayon sa BIR.

Sinabi ng taxman na ang mas mababang income tax rate ay alinsunod sa Republic Act 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, na nagkabisa noong Enero 1, 2018.

Simula Enero 1, 2023, ang mga may annual taxable income na mababa sa P250,000.00 ay hindi pa rin magbabayad ng personal income tax, habang ang iba pang mga nagbabayad ng buwis, maliban sa mga may taxable income na higit sa P8 milyon, ay magkakaroon ng mas mababang mga rate ng buwis mula sa 15% hanggang 30% sa 2023.

Ang BIR ay nagpataw ng 35% tax rate sa mga nangungunang indibidwal na nagbabayad ng buwis na may taunang taxable income na lampas sa P8 milyon, mula sa 32% dati.

Ang buwis sa kita sa taxable income ng indibidwal ay dapat kalkulahin batay sa mga sumusunod na iskedyul, simula Enero 1, 2023:

income tax rates effective January 1, 2023

Kumpara sa paunang ipinataw na income tax rates sa pagpapatupad ng TRAIN Law noong2018, ang bagong  annual income tax rates ay bumaba ng 5% para sa taxable income ng higit P250,000.00 o hanggang P2,000,000.00, habang nagkaroon naman ng bawas na 2% sa tax rate sa mga may taxable income na higit P2,000,000.00 hanggang P8,000,000.00.

“With the said reduction in the annual income tax rates, individuals earning purely compensation income will have lower withholding tax deductions from their monthly salary, thereby increasing their take-home pay,” ani BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. RNT