Singil sa kuryente, magtataas – Meralco

Singil sa kuryente, magtataas – Meralco

July 6, 2018 @ 1:42 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magtataas ang singil sa kuryente ng P0.3136 per kilowatt hour ngayong buwan dahil sa mataas na generation charge, kanina (July 6).

Ibig sabihin, ang tahanan na kumukunsumo ng 200 kWh ay madadagdagan ng nasa P63 o mas mataas pa sa buwanang bayarin sa kuryente.

“The higher July rate is mainly due to the P0.2823 per kWh increase in generation charge,” sabi ng Meralco.

Ang pagtaas ng presyo ay magdadala ng kabuuang P10.1925 per kWh mula sa P9.8789 per kWh noong nakaraang buwan. (Remate News Team)