Singil sa tubig, tataas sa Hulyo

Singil sa tubig, tataas sa Hulyo

June 15, 2018 @ 2:50 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na simula July 1 ay magtataas ang singil ng Manila Water Services Inc. at Maynilad Water Service Inc.

Paliwang ni MWSS chief Regulator Atty. Patrick Ty, ang dagdag singil ay dahil sa pagbaba ng piso kontra dolyar.

Dagdag pa niya, ang inaprubahang price adjustment ay magdadagdag ng 99 cents per cubic meter sa Manila Water, habang sa Maynilad naman ay 6 cents per cubic meter.

Ito ay nangangahulugan na ang mga costumer ng Manila Water na kumukunsumo ng 20 cu.m o mas mababa pa kada buwan ay makatatanggap ng P11.51 na dagdag sa kanilang bill habang ang mga customer naman ng Maynilad ay makatatanggap ng 86 cents sa kaparehong kunsomo kada bwan.

Mararamdaman ang pagtaas ng presyo ng tubig sa third quarter ng taon. (Remate News Team)