Single dose vaccine ilaan sa transport companies

Single dose vaccine ilaan sa transport companies

July 13, 2021 @ 1:42 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iminungkahi ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co na ilaan sa mga tauhan ng mga transport companies ang single-dose COVID-19 vaccine na Janssen ng Johnson & Johnson.

Ayon kay Co ang hakbang na ito ay makakabawas sa pagkalat ng virus mula sa mga byahero sa iba’t ibang probinsya.

Partikular na pinalalaan ni Co ang single-shot Janssen vaccine sa mga commuters at transport personnel ng mga bus at barko na bumabyahe sa NCR at Batangas port gayundin ang mga tauhan ng transport hubs sa Visayas at Mindanao.

Naniniwala ang mambabatas na kung bakunado na ang mga transport personnel ay maibabalik nito ang tiwala ng publiko sa pagkocommute.

Bukod pa dito ang katiyakan na mabibigyang proteksyon ang mga transport personnel lalo pa at exposed sila sa mga biyahero.

Maging ang mga bibiyahe din sa mga lalawigan ay maaaring bigyan ng single dose vaccine.

“Sa ganitong paraan ay makatitiyak na fully-vaccinated na ang isang pasahero at protektado pa ang lugar na pupuntahan”pagtatapos pa nito. Gail Mendoza