Single ticketing system, badyet, iba pa pinag-usapan sa meeting ng MMDA, MMC

Single ticketing system, badyet, iba pa pinag-usapan sa meeting ng MMDA, MMC

November 27, 2022 @ 10:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpulong sa isang Joint meeting ang Metro Manila Council at Regional Development Council upang pag-usapan ang mga plano ng Metropolitan Manila Development Authority na Single Ticketing System, badyet nito, at iba pang mga usapin nitong Sabado, Nobyembre 26.

Kabilang sa agenda ay ang resolusyon ang paglalaan ng nasa P100M na halaga ng supplemental budget para sa mga programa, aktibidad at proyekto ng MMDA.

Dagdag dito ay ang resolusyon ng paglalaan ng P9,673,918,000 na pondo para sa operasyon ng kaparehong ahensya.

Ilan pa sa mga napag-usapang resolusyon ay ang:

– Approving the Appointment of the Regional Development Council for the National Capital Region (RDC-NCR) Vice Chairperson, Members of the Executive Committee and the Sectoral Committee Chairpersons and Co-Chairpersons Including Its Members

– Supporting the Buy Local Advocacy of the Department of Trade and Industry-National Capital Region.

Naging bahagi ng naturang pagpupulong si Ret. PCol. Procopio Lipana na bagong general manager ng MMDA at Romando Salandanan Arets na siyang acting chairman.

Matatandaan na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Nobyembre 11 si Lipana bilang general manager ng ahensya na pumalit kay Engr. Baltazar Melgar.

Si Frisco San Juan Hr. naman, ang itinalagang Deputy Chairman ng MMDA noong Nobyembre 16.

Pinangunahan naman ni San Juan City Mayor Francisco Javier Zamora ang nasabing pagpupulong. RNT/JGC