Single-used plastic, ipagbabawal sa Senado

Single-used plastic, ipagbabawal sa Senado

August 4, 2022 @ 5:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakda nang ipagbawal sa Senado ang paggamit ng PET bottles, sachet at iba pang suri ng single-used plastic bilang bahagi ng kampanya ng bansa laban sa tumaas na bilang ng basurang plastic na sumisira ng kapaligiran.

Sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles, partikular na binanggit ni Senador Pia Cayetano ang planong pagbaba ng paggamit ng single-use plastic waste na nililikha ng Senado matapos igiit na nahikayat ang pagtaas ng paggamit ng disposable plastic sanhi ng pandemya.

Upang maipakita ang kanyang punto, namahagi si Pia ng tumblers sa lahat ng senador na nasa session hall bilang pagdidiin sa pangangailangan na bawasan ang paggamit ng disposable plastic bottles sa Senado.

“Let’s ban the use of PET bottles in the Senate. Ban also the use of sachets, hindi naman natin kailangan magtipid by buying products in sachets, we can buy bigger units and be more economical,” ayon kay Senator Pia.

Binanggit din niya ang paggamit ng Senado ng maraming papel kada araw at hiniling sa kasamahan na maging digital at itigil ang paggamit ng printed materials kapag may sesyon.

Ayon kay Senador Pia, chairman ng Senate Committee on Sustainable Development Goals (SDGs), Innovation, and Futures Thinking, na dapat magbuo ng Senado ng isang team na magkokolekta ng data sa waste generation sa Mataas na Kapulungan, kabilang ang internal office hinggil sa environmental sustainability.

“Everybody should do whatever they are comfortable with, but what I’m saying is that we should do our part to reduce our environmental impact as an institution,” aniya.

Aniya, dapat gumamit ang Senado ng environmentally sustainable practices bilang institution, sa pamamagitan ng “pagtingin sa loob” sa implementasyon ng waste reduction at disposal policies.

“We don’t suddenly wake up to a sustainable lifestyle. In sports, being able to play well in the court, in the field, doesn’t happen overnight,” ayon kay Senator Pia sa kanyang privilege speech nitong August 3, 2022, na sinusuportahan ng kanyang kapatid n a si, Senator Alan Peter Cayetano, na bawasan ang basurang plastic at papel sa bansa.

“It starts with day-to-day habits, day-to-day changes that seem small at first, but collectively and over time, they result in big changes,” aniya.

Sinabi pa ni Senador Pia na nakipag-usap siya sa kanyang kapatid sa pagsusulong nito, na sinang-ayunan ng mambabatas.

“Senator Alan had himself run on an eco-friendly campaign that steered clear of the use of printed materials and plastic campaign paraphernalia and urged supporters instead to plant trees, start urban gardens, and conduct bike caravans in place of the usual motorcades,” paliwanag ni Sen. Pia.

“The times call for bold steps to protect the environment, which he said is tantamount to protecting ourselves,” dagdag naman ni Sen. Alan. Ernie Reyes