Singsing ng wedding proposal ibinakuna ng lalaki sa kapwa lalaki

Singsing ng wedding proposal ibinakuna ng lalaki sa kapwa lalaki

January 10, 2021 @ 8:53 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

US – Umaasa ang dalawang lalaki na medical frontliner sa United States na makasal sila makaraan ang limang taong relasyon makaraang mag-propose ng kasal ang isa sa kanila sa bakunahan sa pagitan nila laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Nakilala ang magkasintahan na sina Robbie Vargas-Cortes, 31, isang paramedic, at Eric Vander Lee, 26, isang nurse at naninilbihan sa Stanford Canton-Inwood Medical Center, South Dakota.

Kwento ni Lee bilang nobya, hindi niya inakalang magpo-propose sa kanya si Vargas-Cortes dahil para sa pagtuturok ng bakuna laban sa COVID-19 ang iskedyul niya sa nobyo.

Nagulat at sandali siyang natulala nang itaas na  ni Vargas-Cortes ang long sleeve nito para mabakunahan.

Naka-tape pala sa braso nito ang singsing para sa wedding proposal sa lugar na dapat pagtuturukan nito.

Sumunod na rito ang paninikluhod ni Vargas-Cortes para sa nasabing alok ng kasal na agad namang tinanguan ni Lee.

Nag-viral ang alok ng kasal at marami ang tumanggap sa kanilang relasyon subalit umani naman ito ng matitinding batikos lalo’t hindi umano maganda ang pagtanggap ng mga taga-South Dakota sa relasyong lalaki sa lalaki, lalo na ang pagpakasal sa ilalim ng same sex marriage. Fred Cabalbag


  •  
  •  
  •  

Loading...