Sinibak na pari patuloy na rumaraket

Sinibak na pari patuloy na rumaraket

February 5, 2022 @ 5:06 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nagbabala ngayon ang Diocese of Cubao laban sa  dating pari na bagamat sinibak na o dinismis na sa kongregasyon noong 2008 ay patuloy pa rin na nagsasagawa ng mga misa sa mga tanggapan ng Quezon City Hall at sa iba’t ibang parishes at chapels.

Ang tinutukoy ng Diocese of Cubao ay si Rico Sabanal, dating Carmelite priest, na nadismiss mula sa congregation noong Aug. 30, 2008 dahil sa paglabag sa Canon 694, Section 2 (has contracted marriage or attempted it, even only civilly).

“Regrettably, we have learned that Fr. Sabanal is being invited to celebrate mass in Quezon City Hall offices, different parishes, and chapels within the Diocese of Cubao. Please refrain from inviting him and inform your parishioners and disseminate this information to Administrator/Officer in-Charge of chapels, funeral chapels, schools, hospitals, government and private offices that are within your jurisdiction,” batay sa circular na nailagdaan noong February 4 ni  Fredrick Edward Simon, Cubao diocese chancellor.

Binigyang-diin ng diocese na si Sabanal ay hindi na Roman Catholic Priest at wala nang priestly faculty para magsagawa ng anumang religious activities saan mang panig sa bansa.

Muli namang kinumpirma ni Fr. Esmeraldo Reforeal, provincial secretary of the Order of Carmelites, na si Sabanal ay hindi na konektado pa sa  congregation sa pamamagitan ng ipinadala niyang liham kay Cubao bishop Most Rev. Honesto Ongtioco nitong January 31. Jan Sinocruz