Sinira raw ang kanyang acting career pero tuwang-tuwa dahil naikakama ang ilang Hollywood stars… Lalaki, nagrereklamo sa laki ng ari

Sinira raw ang kanyang acting career pero tuwang-tuwa dahil naikakama ang ilang Hollywood stars… Lalaki, nagrereklamo sa laki ng ari

June 22, 2018 @ 9:22 PM 4 years ago


 

Isang lalaki na may pinakamalaking “ratbu” sa balat ng lupa ang nagrereklamo dahil winasak daw nito ang kanyang acting career – pero tuwang-tuwa naman sa kabilang banda sapagkat may ilang babaeng Oscar winning celebrities ang kumukuha ng kanyang serbisyo para “matikman” ang kanyang kargada.

Si Jonah Falcon, 47 at may 13.5-inch penis, ay nagsabing hindi siya gaanong masaya sa kanyang “kargada” dahil nagiging hadlang ito sa kanyang pangarap na maging sikat sa pelikula.

Ngunit sa kabilang dako, kumikita naman siya kahit na papano dahil may ilang Hollywood babes, ang ilan ay naging Oscar winners pa nga, na kinukuha ang kanyang serbisyo para lang makatalik siya.

“It’s handicapped my acting because producers and directors won’t hire me,” ani Falcon na taga-Los Angeles.

“It sucks – it relegates me into doing smaller parts. Maybe in the UK or Germany it might help my acting career, but here in Hollywood it’s a negative.”
Ginawa ni Falcon ang pahayag na ito sa interbyu sa kanya ng isang TV program kung saan ay ipinakita pa niya ang kanyang “manhood”.

Nang mapag-usapan ang kanyang “A-List conquests” sa kama, ipinagyabang ni Falcon na: “Yes, I’ve slept with celebrities including Oscar nominees and Oscar winners, but I can’t talk about that.”

Umamin na isa siyang bisexual, hindi naman ibinunyag ni Falcon kung ang kanyang mga nakatalik na celebrities ay babae o lalaki.
“It wasn’t Meryl Streep.”

Aniya, may ilang prodyuser ang gustong kumuha sa kanya bilang aktor pero iyon ay sa mga pelikulang porn na tinatanggihan niya dahil ang pangarap niya ay umarte sa Hollywood.

Kung susukatin, ang ari ni Falcon ay 9 pulgada kapag malambot pero kapag matigas na ay umaabot na sa 13.5 pulgada.

“When I’m fully erect, I’m 13 and a half inches with a seven and a half to eight inch diameter – it’s thicker than my wrist.”