Sinitang walang helmet tiklo sa boga at droga

Sinitang walang helmet tiklo sa boga at droga

February 9, 2022 @ 3:14 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sa karsel nagwakas ang tangkang pagtakas ng isang mekaniko sa checkpoint dahil walang helmet habang nagmomotorsiklo nang makuhanan siya ng baril at shabu sa Valenzuela City.

Patong-patong na kaso ang haharapin ni Eduard Santos alyas “Tata”, 41 ng 59 F Pio Valenzuela St., Brgy., Marulas.

Alas-11:50 Marter ng umaga, pinara ng mga parak ang suspek dahil walang helmet habang nagmomotorsiklo sa harap ng Valenzuela National High School sa R. Valenzuel St., Brgy. Marulas.

Sa halip na huminto ay humarurot patakas si Santos ngunit tinugis ng mga pulis at nasukol, at lumitaw sa verification na wala siyang lisensya at wala ring maipakitang rehistro ng motorsiklo kaya’t posibleng nakaw din ito.

Maliban dito, nakuha din sa suspek ang isang isang itim na sling bag na  may lamang dalawang sachet ng shabu na P3,400 ang presyo, isang cal. 38 revolver nakargado ng apat na bala at cellphone kaya’t idiniretso na siya sa presinto. Merly Iral