Sinkhole sa Cagayan namataan

Sinkhole sa Cagayan namataan

March 5, 2023 @ 1:53 PM 3 weeks ago


CAGAYAN – Nadiskubre ang isang pinaniniwalaang sinkhole sa barangay Magsidel sa Calayan, ayon kay Mayor Joseph Llopis.

“Sa gilid ng bahay na ginagawa pa lang. One-fourth ng area ang affected. Sinkhole po ‘yan kasi may crack siya mula sa iba’t ibang direction saka ‘yung tubig maririnig mo ‘pag maghagis ka ng bato hanggang sa tubig po siya, ibig sabihin hanggang sea level narating nung crack,” ani Llopis.

Sa huling pagsusuri ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nasa 70 pulgada na ang lawak o diameter (70 inches in diameter) ng butas sa lupa.

Nilagyan na ng harang ang bahagi ng lote kung saan nadiskubre ang pinaniniwalaang sinkhole.

Mga maliliit na uri ng sasakyan na lang din muna ang pinadadaan sa lugar.

Nakipag-ugnayan na ang LGU Calayan sa Mines and Geosciences Bureau at iba pang ahensya ng gobyerno na makakatulong para masuri ang umano’y sinkhole. RNT