Sino ang nasa likod ng Halili assassination?

Sino ang nasa likod ng Halili assassination?

July 10, 2018 @ 6:33 AM 5 years ago


 

Hanggang ngayon ay blangko pa rin ang Philippine Natio­nal Police kung sino at kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagbaril at pagpatay sa kontrobersyal na alkalde na si Tanauan City, Batangas  Ma­yor Antonio Halili.

Samut-saring ispekulasyon ang lumalabas sa imbestigas­yon sa pangyayari.

Kesyo ang alkalde ay dinale dahil sa kampanya nitong “Walk of Shame.”

Idinadawit din siya sa droga kaya nga nasa narcolist siya mismo ni Pangulong Digong ngunit mahigpit naman niyang ikinakaila ito noong buhay pa siya.

Kung tutuusin, may katuturan ang mga ispekulasyon pero dapat na silipin din ang iba pang mga anggulo at bigyan din ng konsentrasyon.

Bagama’t mahirap na paniwalaan, may nakalap ako sa isang “source” na dapat im­bestigahan ng gobyerno.

Ayon sa source, posibleng nasa likod daw ng pagkaka­patay kay Halili ang Central Intelligence Agency.

Binubuo ang CIA ng mga foreign intelligence agent na  ngayon ay nasa Pilipinas na.

Nabanggit ng source na si Mayor Halili ang ginamit na “sacrificial pawn”  para iparamdam ng Amerika sa Pilipinas, lalo na sa ating gobyerno na kaya nilang mag-assassinate ang sinoman kahit gaano kalayo ang kinatatayuan  nito.

Ang sabi pa ng source, ma­aaring isang “wake up call” ito kay Pangulong  Digong dahil nara­ramdam daw ng Amerika na  malalim na ang pagkiling ng Pangulo sa China na ayaw mangyari ng Amerika.

Posible umanong ipinaramdam lang ng Amerika na kaya nilang pabagsakin ang sino­mang sumuway sa kanila.

Sabi pa ng source, ang pagkakapatay kay Mayor Halili ay planado dahil kung papata­yin lang daw si Halili ay bakit ka­ilangan pang mag-import ng isang magaling na “sniper” na hindi lang daw basta-basta sniper kundi talagang eksperto sa pagpatay.

Talaga raw pinagplanuhang mabuti ng author ng asasinas­yon kay Halili dahil hindi lang ito isang araw na pinaghandaan at pinagplanuhan kundi mahigit sa isang linggo.

Nakagawa ang sniper ng isang kubol na may layong 200 meters mula sa kinatatayuan ni Halili na hindi napansin ng mga tao sa paligid.

Gayunman, dapat dapat maging ma ingat si Pang. Duterte, lalo na sa mga “speaking engagement” nito sa mga open-air.

Kung hindi siya mag-iingat,  pwede ring gawin ito sa kanya.

Aba, mahirap ng mawalan ng Presidente na kagaya niya.

Pesteng yawa!

Mga pakialamero kayo!

-JUAN SABOG