SINO BA TALAGA ANG WALANG TRANSPARENCY SA WPS?

SINO BA TALAGA ANG WALANG TRANSPARENCY SA WPS?

August 2, 2018 @ 6:53 PM 5 years ago


Isa-isang pinagbabanatan ni Department of Foreign Affair (DFA) Sec. Alan Cayetano ang mga kritisismo nina ex-Pres. Noynoy Aquino at VP Leni Rob­redo kaugnay sa kawalang ‘transparency’ raw ng Duterte administrasyon sa mga hakbang nito para ipaglaban ang karapatan ng Pinas sa West Philippine Sea.

Para kay Sec. Cayetano, wala silang tinatago sa taumbayan, lalong-lalo na ang may kinalaman sa isyu ng pakiki­pag-ugnayan sa China o sa anomang bansa.

Katunayan, ani Cayetano, ang lahat ng meeting ni Pres. Rodrigo Duterte sa mga ma­tataas na pinuno ng China ay ‘on the book.’ ‘Yung bang nakarekord gaya ng pag-uusap nila  kina Pres. Xi Jin Ping, Chinese Premier Li Kequiang. Hindi nila ito itinatago sa publiko (kumbaga nakalantad ito, alam n’yo ba  ‘yun?)

Bukas daw sa lahat na suggestion para lalong mas mapabuti ang mga patakaran o programa, kasabay ng pagtiyak sa mga Pinoy na “walang secret deals” sa pagitan ng China at Pilipinas. Walang dapat ipag-alala ang lahat dahil patuloy nilang isinusulong ang interes ng nakararami (o ano, may sey pa ba kayo?)

Eh, pabalik-balik na lang daw ang isyung ito dahil kung matatandaan ninyo, nagpaliwanag na si kalihim nang ilang ulit sa Kongreso at iba pang ahensiya ng gobyerno, pati na nga sa media, ukol sa ginagawa ng gobyerno para pangalagaan ang ating “sovereign rights” sa WPS (nakatutulig na nga, eh).

Sa kabila nito, nagpatutsada pa rin ang ex-President na kulang pa raw ang “transparency.” Eh, ano kayang klaseng transparency ang gusto niya? Ipaalam sa taumbayan ang mga natatalakay raw sa mga ne­gosasyon sa China para ma­wala raw ang agam-agam ng mga kababayan natin (hel­ler, kailan ba naging makabayan itong si Noynoy?) Hehehehe.

Hindi pa nasiyahan, nagkomento rin itong si VP Leni. Aniya, hindi raw magtatagumpay at magbubunga ng mabuti ang bilateral talks ng Pinas at China (paano mo nalaman aber? Hehehe)

Ay ewan ko ba rito kay Aquino. Ngakngak nang ngak­ngak nang hindi muna inaalam (ayon ito kay Sec. Alan) ang kanyang mga galamay na sina Sen. Antonio Trillanes at Sec. Albert del Rosario kung na­ging tapat nga ba at transparent ang mga ito sa kanya noong termino niya?

‘Yung tungkol ba sa kung ano ba talaga ang nangyari sa Scarborough Shoal. Kung anoman ‘yun ay sa susunod  na lang ninyo malalaman kay Sec. Alan Cayetano). Hehehehehe.

PADER NA PASUGALAN

Patuloy ang puwesto pijo ng pa-drop ball at color game ni alias Larry sa Magsaysay St.,Baguio City na hindi naman umaaksyon si Baguio City COP Supt.Ranil Seculles at maging si Mayor Mauricio Domogan ay nakatunganga lang.

Pasugalan na tila pinagkakakitaan kaya hindi pinapahuli,mayroon ba kaya siila rito?

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA