Sino-sino ang pwedeng lumabas ng bahay sa granular lockdown?

Sino-sino ang pwedeng lumabas ng bahay sa granular lockdown?

September 14, 2021 @ 8:20 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang listahan ng mga papayagang tao na makalalabas ng kanilang bahay sa panahon ng pagpapatupad ng granular lockdowns simula Setyembre 16.

Sa bagong guidelines para sa granular lockdowns, ang city at municipal mayors ay maaaring magpatupad ng granular lockdowns sa mga individual houses kung saan ang isang household member ay “confirmed, residential buildings, streets, blocks, puroks, subdivisions, and/or villages” na sakop ng kanilang hurisdiksyon.

Ang granular lockdowns ay magtatagal lamang ng 14 na araw, ayon sa bagong guidelines.

Idagdag pa rito, ang listahan ng Authorized Persons Outside Residences (APOR) sa ilalim ng IATF Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa bansa ay hindi kikilalanin sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.

Tanging ang mga health care worker at non-health personnel na nagta-trabaho sa mga ospital, laboratoryo, at dialysis facilities kung ang kanilang institusyon ay hindi kayang magbigay ng accommodation para sa kanilang personnel, at uniformed personnel na inatasan na magpatupad ng granular lockdown, ay papayagan na gumalaw o kumilos sa loob at papasok at palabas sa lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Samantala, ang mga sumusunod lamang na papayagan na pumasok at lumabas sa kanilang bahay kung ang kanilang lugar ay nasa ilalim ng granular lockdown:

  • Overseas Filipino Workers na paalis para international travel, at iyong mga magbabalik sa kani-kanilang mga tirahan matapos na makumpleto ang kanilang facility-based quarantine “upon arrival”

  • Mga indibiduwal na ang bahay o tirahan ay matatagpuan sa lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ay maaaring makapasok sa kanilang lugar “for the sole purpose of returning to their respective homes or residences” subalit kailangan na manatili sa panahon ng granular lockdown;

  • Mga indibiduwal “under exceptional circumstances” gaya ng/ subalit hindi naman limitado, sa mga kailangan ang urgent medical attention na napatunayan o binigyang-bisa ng municipal/city health officer; at

  • Food at essential items na naglalayong i-deliver sa lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa kondisyong na ia-unload lamang nito ang kanilang dala sa border collection points na itinalaga ng LGU. Kris Jose


  •  
  •  
  •