Sinomang kandidato pwedeng umatras bago election day – Comelec

Sinomang kandidato pwedeng umatras bago election day – Comelec

October 14, 2021 @ 7:23 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections na anomang oras ay maaring bawiin ng mga naghain ng certificate of candidacy ang kanilang kandidatura bago ang election day.

Ito ang nilinaw ng Comelec kasabay ng pagkumpirma na natanggap na nila ang Statement of Withdrawal ni dating vice president at broadcaster Noli de Castro sa pagka-senador.

Dagdag ng Comelec na lahat ng Statement of Withdrawal para sa national position na natanggap ng Law Department ay dapat nakasunod sa Comelec rules and regulations at ito ay isusumite pa rin sa Commission En Banc para sa resolusyon.

 

Alinsunod sa Section 39 ng Resolution No. 10717, ang mga aspirants at dapat personal na maghain ng sinumpaang Statement of Withdrawal sa opisina kung saan ito naghain ng kanyang COC.

 

Gayunman, sa Minute Resolution No.21-2972, pinapayagan ang duly authorized representative na maghain ng sworn Statement of Withdrawal kung ang alinman sa mga sumusunod na kundisyon ay nalalapat sa aatras na kandidato.

 

– sa mga lugar na nasa granular lockdown o tukoy na ‘critical zone’

– kung nasuri na positibo sa Covid-19 o

– natukoy na close contact ng isang tao na nasuring positibo sa Covid-19 at naka-quarantine o isolation.

 

Maliban sa sworn Statement of Withdrawal, ang mga sumusunod at kailangan sundin;

– pagsusumite ng sworn Authority to file Statement of Withdrawal

– pagsumite ng valid government ID na may photograph at signature

– Online verification ng Statement of Withdrawal na naka-iskedyul sa mismong araw . Ang Receiving Officer ay magpapadala ng iskedyul at log-in credentials sa tukoy na email address at /o cellphone number ng withdrawing aspirant na nasa Statement of Withdrawal. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •