Sinopharm booster walang side effect kay PRRD – Palasyo

Sinopharm booster walang side effect kay PRRD – Palasyo

January 19, 2022 @ 3:34 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Hindi nakaranas ng kahit na anumang masamang epekto si Pagngulong Rodrigo Roa Duterte matapos na makatanggap ng kanyang Sinopharm booster shot laban sa COVID-19.

Ito’y sa kabila ng wala pang data ang makapagpapakita na ang Sinopharm ay “appropriate booster.”

“Wala naman pong masamang epekto kay President Duterte [ang Sinopharm] sa pagkakaalam namin,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ang pahayag na ito ni Nograles ay tugon sa tanong sa kanya kung bakit Sinopharm ang ginamit na booster kay Pangulong Duterte kahit hindi pa naman inirerekumenda ng vaccine experts panel ng bansa ang Sinopharm bilang booster dahil sa kakulangan ng data kapuwa mula sa ibang bansa at manufacturer ng Chinese vaccine.

“The vaccine given to the President, including his primary dose [of two-dose Sinopharm] is between him and his personal physician,” ani Nograles.

Gayunpaman, hindi naman masabi ni Nograles ang timeline kung kailan ilalabas ng mga eksperto ang kanilang rekumendasyon kung ano ang nararapat na booster para sa Sinopharm na itinurok din sa publiko.

“Our experts panel are in touch with the Sinopharm manufacturers for the data so that the proper recommendation for its booster can be issued as soon as possible,” ayon kay Nograles.

Nauna rito, sinabi ni Nograles na nabigyan na ang Chief Executive ng booster shot laban sa COVID-19 at iyon nga aniya ay Sinopharm.

“Sa declaration niya kagabi sa Talk to the People, it appears na nakapag-booster na si Pangulo at Sinopharm ang nagamit,” ayon kay Nograles noong Enero 7. Kris Jose