Sinovac 100% epektibo sa COVID-19 severe cases

Sinovac 100% epektibo sa COVID-19 severe cases

January 14, 2021 @ 6:43 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Epektibo ng hanggang 100 porsyento ang Sinovac COVID-19 vaccine upang mapigilan ang severe at moderate infectons, habang 77.96 percent epektibo naman na pumipigil sa mild na kaso habang may isang pangkalahatang kahusayan na 50.54% sa huling yugto ng Brazil trials.

Ito ay ayon sa mga eksperto na nagsasabing ang resulta ay dapat na isinasaalang-alang ang halos lahat ng mga kalahok sa Brazil ay high-risk medical workers, at  77.96 efficacy para sa  mild-case protection.

Ibig sabihin, na ang bakuna  ay maaring makabawas ng 78 porsyento sa hospitalization ng mga indibidwal.

Ayon  sa director ng Butantan Institute sa Brazil na si Dimas Covas, mayroon na ngayong isa sa mga pinakamahusay na bakuna sa mundo.

Sinabi naman ni Wang Guiqiang, director ng  Infectious Disease Department sa Peking University First Hospital, sa Global Times na ang bakuna ay 100 % na maaring makapigil ng malubhang karamdaman at maprotektahan ang halos 50% ng mga tao mula sa infection, na aniya ay sapat na.

“The vaccine was able to 100 percent prevent severe illness in such a high-risk population, and effectively control the morbidity, and protect at least 50% of people from infection, which is good enough,” lahad ni Wang Guiqiang.

Ang pinakamadalas na mga epekto umano ng bakuna ay sakit ng ulo at myalgia ngunit ito ay banayad lamang at hindi makakagambala sa pang-araw araw na gawain ng mga kalahok.

Wala rin umanong malubhang kaganapan hinggil sa bakuna.

Ang adverse events ay bihira ayon pa kay Covas  na nakikipagtulungan sa Sinovac  sa trials sa Brazil.

Sinabi pa ni Covas sa isang news conference na nakikitaan ng  mas mataas na pagiging  epektibo sa paggamit ng komunidad at inaasahan na ang bakuna ay magkakaroon ng napakataas na pagiging  epektibo sa pangkalahatanag populasyon gayundin sa mga trials sa ibang bansa.

Ang Sinovac vaccine ay kasalukuyang nasa Phase II ng clinical trials sa Brazil, Indonesia, at Turkey.

Sa kabila ng pagkakaiba sa pagiging kahusayan, ang pangkalahatang konklusyon sa bakuna ay protective, lalo na sa pag-iwas ng tao na makakuha ng medium at severe symptoms ayon pa sa nabanggit sa dokumento ng Sinovac.

Ang trial sa Brazil ay nakapagtala rin ng pinakamalaking ratio ng bahagyang simtomas  na 85% sa ginamit na Polymerase Chain Reaction (PCR) test. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...