Sinovac angkop na bakuna sa mga manggagawa – FDA

Sinovac angkop na bakuna sa mga manggagawa – FDA

February 23, 2021 @ 1:35 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na angkop ang bakuna ng Sinovac kontra coronavirus disease (COVID-19) sa mga manggagawa tulad ng construction workers at drivers.

“Lalo na po yung 18 to 59 [years old] na mga workers sa community, for example, maganda po ang kanyang efficacy rate, 65 to 91 percent kaya talagang very good po siya,” saad ni FDA Director General Eric Domingo sa isang panayam ng TeleRadyo.

Ito ay kumpara sa 50.4 porsyentong epektibo sa mga health workers at mga senior citizen na mga grupong malaki ang tyansang mahawa ng sakit.

“Kung pipili po tayo, akmang akma po sya sa mga kababayan nating mga working age na healthy, nagtratrabaho na hindi naman naggagamot ng Covid,” dagdag ng FDA chief.

Aniya angkop ang Sinovac vaccine sa mga nagtatrabaho sa opisina, mga construction worker, at mga driver.

Una nang sinabi ng FDA na hindi inirerekomenda ang naturang bakuna para sa mga health worker, senior kahit mayroon na itong emergency use authorization.

Nilinaw din ni Domingo na “no safety issue” ang Sinovac vaccine dahil 18-59 taong gulang ang mga lumahok sa clinical trials nito.

Dagdag nito na kasalukuyang pinag-aaralan ng Sinovac kung angkop ang bakuna nito sa mga may edad 60 anyos pataas.

“So ongoing po ngayon yung studies nila. Pag nagkadatos po doon, maaari pong idagdag yun, later on,” ani Domingo.

Matatandaang nagbigay ng 600,000 dose ng Sinovac vaccine ang gobyerno ng China para sa Pilipinas na inaasahang dumating sa mga susunod na araw. RNT/ELM


  •  
  •  
  •